Ang Electrician ay responsable sa pagpapanatili ng maayos na operasyon ng mga pasilidad sa farm at sa agarang pagkukumpuni ng anumang sira bago ito lumala. Tungkulin niyang tiyakin na ang lahat ng gusali, kagamitan, at makina sa farm ay ligtas, malinis, at gumagana nang maayos sa pamamagitan ng regular na inspeksyon at pagkakaloob ng komprehensibong maintenance service.
- Nagsasagawa ng troubleshooting at pagkukumpuni ng mga generator, fan blowers, water pump, at iba pang kagamitang elektrikal o mekanikal.
- Nag-i-install at nag-aayos ng mga electrical wiring at tinitiyak na ligtas ang pagkakakabit.
- Nagsasagawa ng preventive at corrective maintenance upang mapanatiling maayos at ligtas ang operasyon ng mga makina, tubo, at iba pang pasilidad sa farm.
- Nag-iinspeksyon ng mga gusali at kagamitan upang matukoy ang mga sira o problema.
- Nag-uulat ng anumang aberya o hindi ligtas na kondisyon sa kanyang Supervisor at nagbibigay ng mungkahi para sa solusyon.
- Nagbabasa at sumusunod sa mga teknikal na manual at electrical schematic bilang gabay sa pagkukumpuni.
- Pinananatiling maayos ang heating, plumbing, at iba pang utility system ng farm.
- Tumulong sa pag-install at pag-setup ng bagong kagamitan o sistema sa farm.
- Pinangangalagaan at pinapanatiling nasa maayos na kondisyon ang mga kasangkapang ginagamit sa trabaho.
- Agad na tumutugon sa mga emergency at inaabisuhan ang tamang personnel.
- Nagtuturo sa production team sa tamang paggamit ng mga makina at kagamitan.
- Gumaganap ng iba pang tungkulin ayon sa utos ng Supervisor o Manager.
- Barangay Clearance at Cedula